Isang Japanese firm ang naglabas ng bagong underwear product na ibinebenta nila dahil sa umano’y kakaibang paraan para manatili ang mabangong amoy nito.
Ayon sa Japan-based company Seiren Co., Inc., ibinebenta na nila online ang brief na Deoest Hawaiian Breeze na may limited number of stocks lamang.
Naniniwala ang Seiren na ang kanilang 95% cotton brief ay magbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kung sino man ang magsusuot nito dahil na din sa paraan kung paano nila ito ginawa.
Ito’y dahil matapos ang pagtatahi ng naturang underwear ay dalawang araw nila itong pahahanginan sa Hawaii.
Matapos ang pagpapahangin ay agad nila itong ipapasok sa isang airtight na glass container kung saan sinasabing mananatili ang hangin na humaplos sa limited edition na mga briefs.
Ang presyo ng naturang underwear: $60 o makahulog-brief na P2,786.37 base sa kasalukuyang palitan ng dolyar sa piso na $1=46.44. (DP)