BUTUAN CITY – Patuloy ang pagsuko sa awtoridad ng mga taong sangkot sa droga sa Surigao del Norte sa gitna ng banta ni President-elect Rodrigo Duterte na lilipulin ang mga drug pushers sa kanyang termino.
Nitong nakaraang lingo, mula Lunes hanggang Biyernes, siyam na katao na ang kusang sumuko sa awtoridad at umaming sangkot sa illegal drug trade, ayon sa report na nakarating sa Police Regional Office 13.
Ayon kay Inspector Manolito Parazo, Placer Municipal Police Station (MPS) chief, umabot na sa 72 ang bilang ng mga sumuko. Dagdag pa niya na ibinigay din ng surrenderees ang information tungkol sa kinaroroonan ng iba pa nilang kasamahan. (Mike U. Crismundo)