SA presscon ng “Sa Piling ni Nanay,” kinumpirma ni Yasmien Kurdi na hindi na siya kasapi sa Iglesia ni Cristo (INC). Matagal nang usap-usapan ’yun na ayaw kumpirmahin noon ni Yasmien. Parati siyang umiiwas at no comment siya kapag tinatanong siya kung wala na ba siya sa INC?
Isa na siyang Christian ngayon tulad ng kanyang non-showbiz husband na si Rey Soldevilla, ayon kay Yasmien. Aniya, magkaibang religion ang kanyang mga magulang, Iglesia ni Cristo ang kanyang mommy at Muslim ang kanyang daddy na isang foreigner. Magkaibang paniniwala ang mga ito, kaya nahirapan siyang mag-desisyon nu’ng nagpakasal sila ng kanyang non-showbiz husband.
Hindi ba nagkaroon ng isyu noon kay Yasmien at sa kanyang mommy? Nagkaroon sila ng conflict dahil sa religion ng kanyang husband. It took a while bago nagdesisyon si Yasmien na piliin niyang maging Christian tulad ng kanyang asawa.
Samantala, excited si Yasmien sa role niya bilang Ysabel sa “Sa Piling ni Nanay.” Isa siyang surrogate mother at magkakaroon sila ng conflict ni Katrina Halili (Scarlet) na siyang tunay na ina ng batang isinilang niya.
Si Mark Herras ang leading man at ayon kay Yasmien, ang laki ng ipinagbago nito. Nag-mature na ito at seryoso na sa career at personal life.
Sa June 27 naang pilot telecast ng SPNN after “Makita Kang Muli” sa GMA Afternoon Prime.