Arestado ang apat na katao matapos mahulihan ng shabu sa magkahiwalay na operation nitong Lunes sa Quezon City.
Kinilala ng hepe ng Quezon City Police District’s Batasan Station (PS-6) na si Sr. Supt. Robert Sales ang mga suspek na sina Lilibeth Lapatis, 39 at isang basurero na nakatira sa Asper St. Area B, Barangay Payatas; Rommel Martinez, 44, ng Barangay Batasan Hills; Nikki Lacson, 21, isang estudyante ng Luzon Avenue, Barangay Culiat; at Vergilio Justol Jr., 30 ng IBP Road, Barangay Payatas.
Huli si Lapatis ganap na 4:30 ng umaga nang madaanan ito ng anti-criminality patroller ng PS-6 habang hawak nito ang dalawang maliit na sachet ng shabu sa Asper Street.
Isang tip naman buhat sa isang concerned citizen ang naging daan para maaresto si Martinez ganap na alas-dos ng hapon.
aitimbre ng tipster na kasalukuyang nagkakaroon ng illegal activity ng droga sa kahabaan ng Kalayaan D Extension Avenue kung saan natunton si Martinez.
Samantala laglag sa bitag sina Lacson at Justol ng mga alagad ng Bataan police na nagsagawa ng kanilang “Oplan Bulabog” 4:30 ng hapon.
Nakuha sa dalawa ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isa umanong nagaganap na transaksyon sa kanto ng Tindalo at Almaciga streets.
yon naman kay Sanchez, mahaharap sa kasong violation ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinasabing puspusan na ngayon ang operasyon ng kapulisan sa droga bilang tugon sa panawagan ni incoming president Rodrigo Duterte na all-out war laban sa ipinagbabawal na gamot. (Vanne Elaine P. Terrazola)