Dahil sa madalas na pagkakailang ng kaniyang anak sa kaniyang surgical scar, nagdesisyon ang isang ama na gayahin ang naturang tahi upang mabawasan ang pangamba ng bata.
Inoperahan si Gabriel sanhi ng rare form ng brain cancer na anaplastic astrocytoma noong March 25, 2015.
“My son was very self-conscious after he got his surgery. He felt like a monster,” ani Josh Marshall sa ABC News.
Bukod sa papuring tinatanggap, nagwagi din ang nasabing photo sa isang competition ng mga ama na pare-parehong may mga anak na may sakit na cancer sa Kansas.
“It was just a friendly competition between fellow cancer dads and people showing support for their loved ones who have fought cancer,” dagdag ni Marshall.
Inihayag naman ni Marshall na bumubuti na ang kalagayan ni Gabriel at tuloy tuloy na ang recovery nito.