Dahil sa kanyang biglang pagsikat dahil sa isang photo na naging viral sa social media, mapapanood na ang madramang buhay ni Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man sa weekly drama anthology ng GMA-7 na “Magpakailanman”.
Ang Kapuso leading man na si Jake Vargas ang gaganap bilang Jeyrick at ipapakita nito ang mga pinagdaanang hirap ni Carrot Man bilang isang mambubukid sa Mountain Province.
Bago nakilala si Jeyrick sa social media at maging sikat siya, simple lang ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamil-ya.
Sipag at tiyaga ang kanyang ginagamit para magkaroon sila ng masaganang buhay araw-araw.
Noong maging sikat siya dahil sa isang photo na kinunan ng isang bumisita sa Mountain Province, doon na nagsimulang magbago ang buhay ng batang Igorot.
Pero kahit nakilala na si Jeyrick bilang Carrot Man, hindi raw ito nakaapekto sa kanyang araw-araw na pamumuhay.
“Marami pong nakakakilala sa akin. Kahit saan ako pumunta, sa mall, kahit saan pong lugar, marami pong nakakakilala sa akin,” ngiti pa niya.
Kinuha pa si Jeyrick bilang endorser ng retail brand na Boardwalk at naging malaking tulong daw iyon sa kanyang pamilya.
Bukod dito ay nagkasunud-sunod din ang guestings niya sa TV mula sa “Wowowin,” “Kapuso Mo Jessica Soho,” “Pepito Manaloto” at “Maynila.”
Malayung-malayo raw ang mga bagong trabaho niyang ito kum-para sa mga nakasanayan na niya sa bundok.
Pero noong huling pag-uwi raw niya sa kanila ay tumulong pa rin siya sa pag-ani ng mga gulay sa isang farm doon.
Ang balak na mag-enroll sana sa isang school sa Baguio City ni Jeyrick ay pinagpaliban muna niya dahil inaalala raw niya ang kalagayan ng kanyang pamilya lalo na’t walang tutulong sa kanila sa pag-ani ng gulay.
“Nag-ani po noong umuwi ako, dahil po doon wala pong gulay.Meron po pero kakaunti, good for family lang po.
“Nag-aalala po ako para sa kanilang kinabukasan. Walang tutulong sa kanila eh,” pagtapos pa ni Carrot Man.
(Ruel J. Mendoza)