Tinatayang 250 hinihinalang drug users at pushers mula sa Quezon City ang kusang sumuko sa iba’t ibang istasyon ng Quezon City Police District kahapon.
Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquivel Jr., QCPD Deputy District Director for Operations, sumuko ang mga suspect pagkatapos nila itong pakiusapan bilang bahagi ng programang “Oplan: Katok and Pakiusap” o KaPak.
Layon ng programa na pasukuin ang mga drug pushers at users upang sila ay ma-rehabilitate at mamuhay ng malinis.
Dinala ang mga suspect sa QCPD headquarters sa Camp Karingal kung saan sila isinailalim sa drug testing at verification.
“Bago mag-giyera, you offer the hand of peace. Dito sa Quezon City, although nag-declare tayo ng giyera laban sa droga, at the same time hindi giyera lang basta-basta. Kung mag surrender sila at voluntarily mag-reform ng sarili nila, much better,” sinabi ni Esquivel. (Francis T. Wakefield)