Pitumpu’t apat na palaboy ang nailigtas ng mga pulis at mga ahensiya ng pamahalaan sa Pasay City noong Miyerkules.
Ang mga palaboy ay natagpuang natutulog at gumagala sa Pasay sports complex sa Taft Ave. Nagsimula ang rescue operation ng 9 p.m. pero natigil ng ulan ng 11 p.m. at nagpatuloy pagkatapos.
Labingpito sa kanila ay menor de edad at walo ay matatanda na. Karamihan sa kanila ay dinala sa iba’t-ibang rescue center sa Metro Manila at ang iba ay binigyan ng pamasahe pauwi.
Inamin ng mga otoridad na problema ang mga palaboy dahil pabalik balik sila sa kalye. Isa sa kanila, si Althea Cunanan, 54, ay nagpahayag na mas mabuti pang manirahan sa kalye kaysa bumalik sa kanila sa Calamba City, Laguna dahil pabigat lamang siya doon. (Martin A. Sadongdong and Jean Fernando )