Ninakawan umano ng barya na nagkakahalaga ng P1,400 ang isang paaralan sa Sta. Mesa, Manila noong Miyerkules.
Ayon kay Supt. Santiago D. Pascual, Manila Police District Station 4 commander, nangyari ang insidente mula 8 p.m.
hanggang 9 p.m.
Bago ang insidente, nagbabantay ang security guard ng paaralan pero wala naman siyang napansing kakaiba. Dumating ang isang concerned citizen at isinumbong sa security guard na may nakita siyang lalaki na lumabas mula sa bintana ng isang silid aralan sa ikalawang palapag at bumaba sa pamamagitan ng kalapit na puno.
Kaagad na iniulat sa mga otoridad ang insidente. Wala na ang suspek ng dumating ang mga otoridad at nakita ang isang plastic bag na may lamang P1,400 na barya na nakatago sa puno. Ibinalik ang barya sa paaralan. (Analou de Vera)