Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Pambansang Bae Alden Richards ang magiging first anniversary nila ng kanyang Kalyerserye loveteam na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Noong July 16, 2015 unang nagkakilala sina Alden at Maine sa Eat Bulaga at doon na nagsimula ang isang phenomenal loveteam na AlDub na minahal at sinuportahan ng maraming fans na kung tawagin ay AlDub Nation.
Sa nalalapit na unang anibersaryo ng dalawa, sunud-sunod na ang mga sorpresa nila sa kanilang mga fans tulad ng pag-release ng theme song ng kanilang pelikula na “Imagine You & Me” na kinunan sa bansang Italy.
Napapanood na rin ang trailer ng naturang pelikula na lalong ikinakilig ng kanilang mga fans.
As for Alden, meron nga raw siyang hinahandang special na regalo para sa araw na iyon. Pero hindi pa niya puwedeng i-reveal.
“It’s something special ‘yung hinahanda ko, siyempre anniversary. Kumbaga, surprise.
“It’s something na ma-appreciate ng lahat dahil paraan ito nang pag-share ko ng blessings dahil sa nangyari sa career ko at sa career ni Maine,” ngiti pa niya.
Kay bilis ng panahon at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alden sa nangyaring maganda sa tambalan nila ni Maine.
Dahil sa loveteam nila, kabilang na sila sa top celebrity endorsers ng bansa.
“Minsan naiisip namin ni Maine, nag-uusap kami like kahapon nasa TVC shoot kami, parang ang bilis ng mga nangyayari, ang bilis ng mga pangyayari.
“Then, we never thought na aabot kami ng isang taon.
“Looking forward siyempre ngayon, this year kumbaga that’s gonna be one of the highlights of AlDub and parang regalo namin ‘yun sa mga sumuporta sa amin.”
Kasama na raw sa journey nila ni Maine ay ang mga bashers, haters at ang ibang tao na gusto silang pabagsakin.
“We’ve had a fair share of criticism, good, bad, very bad, very good but at the end of the day kasi it’s what we believed in.’’ (Ruel J. Mendoza)