Thankful ang lead vocalist ng pamosong Side A band na si Joey Generoso na hanggang ngayon ay marami pa ring tumatangkilik ng mga awitin na kanyang nilikha.
Noong 1985 pa sumikat ang Side A and for more than 30 years, kahit na nag-solo na si Joey, hindi pa rin nakakalimutan ng marami ang musika na kanyang nasimulan noon pa.
“I have always credited the long years of hard work na pinagdaanan ko before we made a big name.
“It’s a humbling experience, really. ‘Yung mga panahon na nagsisimula pa lang kayo at binabayaran kayo ng 50 pesos per gig. Pinagdaanan ko ang mga ganyan.
“Kaya when you reap all these blessings after so many years of working hard at what you love, ang sarap ng feeling—alam mong you deserve it kasi nagtrabaho ka ng maayos at tama,” ngiti pa ni Joey.
Natutuwa rin si Joey na considered classic na ang mga awitin ng Side A, lalo na ang pinakasikat nilang single na “Forevermore” na ilang beses nang na-revive ng kung sinu-sinong singer, kabilang na ang American Idol runner-up na si David Archuleta na may sarili niyang version ng song sa 2012 album nito.
“It’s always nice to hear someone else singing your song.
“It only means na mahalaga sa kanila o may sentimental value sa kanila ang song na iyon.
“The only thing I want from these singers is to feel the song. Hindi basta kinanta lang nila para may sarili silang version.
“Alamin nila ang background ng song and see kung makaka-relate ba sila sa bawat words na nasa song na iyon.
“That will make them sing the song better because they are singing it from their hearts,” diin pa niya.
Naghahanda si Joey G. para sa kanyang Music Museum show with Soul Siren Nina on July 1 titled Versions & Verses.
Ito nga raw ang first time na makakasama niya si Nina sa isang full concert kaya marami ang matutuwa sa mga songs na aawitin nila.
“I’ve worked with Nina sa ibang shows. We do duets in the past pero hindi tulad nito na isang buong show.
“Nina is one of our singers who can really make a song her own. Kahit na ni-revive niya, parang siya ang original.
That’s why she is called the Soul Siren because she sings with her whole heart and soul.” (RUEL J. MENDOZA)