BUTUAN CITY – Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Siargao Island kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa Phivolcs bulletin, naitala ang pagyanig sa oras na 6:43 a.m. at natagpuan ang epicenter sa 50 kilometro ng hilagang-silangan ng bayan ng General Luna sa Siargao Island, Surigao del Norte.
Tectonic in origin ang lindol at inaasahan na magkaroon ng aftershocks, ayon sa Philvolcs.
Ang pagyanig ay dulot ng paggalaw ng local fault sa Siargao Island, Surigao del Norte, sabi pa ng ahensiya.
(Mike U. Crismundo)