ZAMBOANGA CITY – Dalawampung pulis na nakatalaga sa iba’t ibang police stations sa rehiyon ang inalis na sa serbisyo habang anim na iba pa ang nahaharap sa summary dismissal proceedings dahil sa paggamit ng illegal drugs.
Ayon kay Senior Supt. Debold M. Sinas, Police Regional Office for Zamboanga Peninsula (PRO-9) deputy director for operations, nalaman na gumagamit ng droga ang 20 pulis nang sumailalim sila sa random drug testing simula pa noong 2014.
Sinabi ni Sinas na 11 pulis ang sinipa sa serbisyo noong taong 2014, anim noong 2015, at sa kasalukuyan ay anim pa ang nahaharap sa summary dismissal proceedings.
Ang mga pulis na nagpositibo sa drug testing ay naka-assign sa Zamboanga City Police Office at Zamboanga Sibugay Police Provincial Office. (Nonoy E. Lacson)