Naabo ang tinatayang P3 million halaga ng ari-arian samantalang 600 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa Barangay Baesa, Quezon City noong Martes.
Ayon kay Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City Fire Marshal, nagsimula ang sunog sa isang bahay na tinutuluyan ng magasawang sina Mean and Jimmy Torres na may negosyong upholstery pasado 2:30 p.m.
Agad na kumalat ang apoy sa iba pang mga bahay na gawa sa halo-halong materyales. Naapula ang sunog pagkaaran ng limang oras. Walang naiulat na nasaktan o namatay sa sunog na tumupok sa 300 bahay at umabot sa Task Force Charlie.
Nahirapang apulahin ang sunog dahil sa malakas na hangin at makipot na kalsada. Kasalukuyang tumutuloy ang mga apektadong residente sa covered court ng barangay at umaapela ng tulong. Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
(Francis T. Wakefield)