LAOAG CITY, Ilocos Norte – Ipinahayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang kanyang buong pagsuporta sa plano ni President Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty para sa mga criminal lalo na yaong sangkot sa bawal na gamot.
“Sa akin, will ko kay President Digong, magko-comply and probinsiya ng Ilocos Norte, total compliance kami diyan (sa death penalty),” ayon Governor Marcos, sabay sabing ipagpapatuloy niya ang kampanya laban sa kriminalidad at bawal na gamot sa lalawigan.
Binigyang diin din niya na mahalagang protektahan ang mga mamamayan, kasama ang mga kabataan at mga biktima ng droga, na mabuhay na ligtas sa kanilang lugar.
Nanawagan siya sa publiko na i-report ang mga suspek sa krimen at hinikayat niya na sumuko na sa awtoridad ang mga taong sangkot sa illegal drugs.
“Sigurado na handang-handa ang ating kapulisan at handang-handa rin tayong kasuhan ang kailangang kasuhan,” she added. (Freddie G. Lazaro)