Tinatayang 300 hinihinalang tulak at adik ang sumuko sa Pasay City police noong Biyernes.
Ang mga suspek ay tumungo at sumuko sa Pasay City Sports Complex at nagbigay umano ng impormasyon na makakatulong
sa kampanya laban sa iligal na droga na tinawag na “Oplan: Tokhang.”
Ang tokhang ay pinagsamang salitang Bisaya na ibig sabihin ay “toktok” o katok at “hangyo” o pakiusap. Layon ng programa na pakiusapang sumuko ang mga adik at tulak upang sila ay hindi malulong sa kanilang ginagawa.
(Martin A. Sadongdong)