By Ruel J. Mendoza
Sobra ang pasasalamat ng ‘90s rock singer na si Basti Artadi dahil sa malaking suporta ng maraming tao sa kanyang hiling sa Facebook na matulungan siyang mag-raise ng funds para sa kanyang pagpapaopera.
Ang naturang operasyon ay para magamot ang kanyang pinagdaraanang facial paralysis na sanhi ng isang benign tumor.
Nagbebenta online ng specially-designed shirts si Basti para maging tulong sa kanyang pagpapaopera.
Overwhelmed si Basti dahil sa rami ng gustong bumili ng kanyang shirts online.
“I can’t say enough…I really did not expect this.
“When I posted it, I made like a hundred shirts, I thought I was going to sell a hundred shirts and all of a sudden this, and I’m blown away.
“I was driving today, and I started to think about it. You know you’re driving and then it hits you and I started crying.
“And then, I got to the toll booth, so wala, baba, bayad, and the girl there was looking at me like, what’s wrong with you?’” kuwento pa niya.
Ikinatuwa pa ni Basti na sa isang event na kanyang dinaluhan ay suot ng marami ang kanyang fund-raising t-shirts.
Kaya ito ang naging mensahe ni Basti sa mga sumuporta sa kanya:
“I love you guys, every single one of you, even the ones who don’t know my songs.
“I love you, thank you so much and I can’t say it enough.
“I’m going to keep going until I drop dead. Sorry na lang but I’m going to stay, man.”
Tuloy pa rin ang pagbenta ng mga t-shirts ni Basti. Puwede ring magbigay ng cash donations sa isang Go Fund Me account naginawa ng kapatid ni Basti, ang former beauty queen na si Sabrina Artadi.
Sa ngayon ay nakaka-raise na ito ng $4,165. Ang goal ay maka-raise ng $10,000 para sa operasyon ni Basti.