MASWERTE ang teen actress na si Therese “Teri” Malvar dahil muli siyang nanalo ng acting award para sa indie film na “Hamog” (Haze) ni Ralston Jover.
Napanalunan ni Teri ang Silver St. George Award for Best Actress sa Moscow International Film Festival para sa kanyang pagganap bilang isang wayward street child sa pelikulang “Hamog.”
Ang Hamog ang kauna-unahang Philippine entry sa naturang international film festival na nagse-celebrate ng kanilang ika-38th year na.
Nagsimula ang Moscow International Film Festival noong 1959.
Ang latest na napanalunan ni Teri ay ang kanyang ikatlong best actress award in three years.
Nagsimula si Teri na paggawa ng pelikula noong 2013 via the indie film “Ang Huling Cha-Cha ni Anita” na dinirek ni Sigrid Andrea Bernado. Nanalo siya ng best actress award sa kauna-unahang Cine Filipino Film Festival.
In 2015 ay napanalunan ni Teri ang kanyang second best actress, this time ay mula sa Cinema One Originals Film Festival for the film “Hamog.” Tumanggap naman ang naturang pelikula ng Special Jury Prize.
Dalawang buwan pa lang ang nakakaraan nang i-announce ng New York Asian Film Festival na gagawaran nila si Teri ng Screen International Rising Star Asia Award para sa kanyang performance sa “Hamog.”
Kasabay niyang tumanggap ng parangal sa NYAFF ay si John Lloyd Cruz as Star Asis awardee para sa pelikula nitong “Honor Thy Father.”
Just last month ay napanalunan ng pelikulang “Hamog” ang Golden Goblet Award for Outstanding Artistic Achievement mula sa 19th Shanghai International Film Festival.
Na-nominate din si Teri bilang best actress at ang co-star niyang si Zaijan Jaranilla for best actor.
This July naman ay magkakaroon ng Korean premiere ang “Hamog” sa 20th Bucheon International Fantastic Film Festival from July 21 to 31.
Napapanood sa ilang teleserye ng GMA-7 si Teri Malvar. Huli siyang napanood ay sa “That’s My Amboy.” Lumabas na siya sa “Let the Love Begin” at “Karelasyon.” (RUEL J. MENDOZA)