CAMP RUPERTO KANGLEON, Palo,Leyte – Tiniyak ng bagong liderato ng Philippine National Police (PNP) sa Eastern Visayas ang kanilang all-out war laban sa mga bigtime drug lords ng Leyte at Samar.
Ayon kay Acting Regional Director Elmer C. Beltejar, nagulat man siya sa pagkakatalaga sa kaniya bilang hepe ng Region 8 ay lubusan niyang tututukan ang kaniyang trabaho lalo na sa isyu ng droga na isa sa mga nais sugpuin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan ay dalawang pulis na ang nagpositibo sa droga matapos ang kanilang sorpresang drug testing sa labas ng PNP conference hall.
Kinilala ni Leyte Police Provincial Director Sr.Supt. Franco Simborio ang mga pulis na nagpositibo na sina Police Officer 2 Negad ng Tabango PNP Station at PO1 Mandreza ng Alang-alang Police Station.
Si Negad ay agad umanong nagtago matapos lumabas ang resulta habang nasa kustodiya nan g pulisya si Mandreza. Bukod pa ditto, umabot na sa 481 katao ang sumuko na sa iba’t-ibang presinto ng rehiyon ay umamin na sila ay sangkot sa ilegal na droga.
Bago ang pagiging Region 8 acting chief, bagong upo lamang si Beltejar bilang finance director ng PNP sa Camp Crame. (Nestor L. Abrematea)