Tiniyak ng Manila Health Department (MHD) na mabibigyan ang mga residente ng lungsod ng libre at mabilis na lunas kung sakaling sila’y dapuan ng mga sakit na nakukuha tuwing tag-ulan.
Ang pamahalaang lungsod ay laging nakahandang tugunan ang anumang malawakang pagkalat ng sakit sa panahon ng tagu-ulan, ayon kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.
May kakayahan ang mga health center at ospital ng Maynila na gamutin ang water-borne diseases tulad ng cholera, typhoid at diarrhea, pati na ang respiratory tract infections at leptospirosis.
Para lalong mapigilan ang pag-usbong ng mga sakit, patuloy na ipapatupad ang feeding program para sa mga batang kulang na kulang sa timbang sa public schools, sabi ni Dr. Benjamin Yson, MHD head.
“Improvement in nutrition has helped many of our poor children in fighting diseases especially this monsoon season,” Yson stressed. (Betheena Kae Unite)