Minsan pa ay pinabulaaan ni Marestella Torres-Sunang na hindi pa ito tapos sa kanyang misyon matapos na hindi nagpaiwan sa pagsama sa pambansang delegasyon tungo sa kanyang ikatlong sunod na paglalaro sa nalalapit na 2016 Rio De Janeiro Olympics.
Ito ay matapos ipaalam mismo ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na lehitimong makapagkuwalipika ang 35-anyos mula sa San Jose, Negros Occidental na si Torres-Sunang sa isasagawa na Agosto 5 hanggang 21 na Olimpyada.
“I just talked to Marestella Torres-Sunang and she did 6.72 meters in Kazakhstan Open to qualify for the Rio Olympics. It was her sixth and last jump in windy conditions compounded by continuous rains. She fouled in her fourth and fifth jumps,” ayon sa text message ni Juico. (Angie Oredo)