COTABATO CITY – Nanawagan si Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv S. Hataman sa kinauukulan ang pagkakaroon ng mga high speed boats sa lugar na madalas pasukin ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).
Ayon kay Hataman, hirap ang pulisya na sugpuin ang ASG bandits dahil sa speedboats na gamit nito na ayon sa kaniya ay mas mabibilis pa umano kumpara sa helicopters.
Sa kabila nito, sinabi ni Hataman na nagkaroon na ng profiling sa mga ASG rebels na gumagamit ng speed boats na kanila namang ipinarating na kay bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Ricardo Visaya.
Iginiit naman ni Hataman na handa siyang pakinggan ang anumang suhestiyon na magtatatag ng comprehensive action laban sa Abu Sayyaf.
“Gusto kong marining ’yong presentation nila. If the intended solution is Martial Law, it should be comprehensive so as to ensure that civilians are spared from collateral damage.
Basically, because of sad experiences during Marcos time, ayaw ng mga tao natin ng Martial Law,” ani Hataman. Kapalit naman ng Martial Law, sinabi ni Hataman na posible din na mas maging epektibo ang isang “well-coordinated, intensified and participatory” drive laban sa mga bandido.
“Why not we try it first, at least three to six months? I am willing to issue an order to bring out the civilians from their homes and put in one evacuation area then let the government attend to their needs while military operation against ASG is going on,” Hataman. (Ali G. Macabalang)