Iniimbestigahan ngayon ng Philippine Army (PA) ang 13 sundalo na bumagsak sa paunang drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Martes.
Ayon kay Col. Benjamin L. Hao, Army spokesman, 13 sa 2,500 Army personnel na nakabase sa Fort Bonifacio ang nag-positibo sa drug test at inutusang sumailalim pa sa confirmatory test sa DoH-accredited drug testing centers.
“Everybody was required to undergo the drug test led by our Army commanding general,” pahayag ni Hao. Sinabi niya na isinagawa ang biglaang drug test sa araw mismo ng Taebo exercise ng mga sundalo.
“The Philippine Army is very serious in its anti-drug campaign,” pahayag ni Hao. (Francis T. Wakefield)