BAGUIO CITY – Binuksan na ng SM Foundation ang kanilang ika-75 school building na ipinatayo sa buong bansa, at ikaapat naman na ibinigay sa Baguio City.
Pinatayuan ang Lucban Elementary School sa nasabing lungsod ng dalawang palapag na gusali na may apat na silid-aralan, apat na palikuran, 200 silya, apat na lamesa at upuan ng guro, walong blackboard, 16 na bintilador, at apat na orasan. Hinandugan din ng computers at laptops and nasabing paaralan para sa karagdagang suporta sa ICT program nito.
Isa sa siyam na paaralang sentral ng Baguio City ang Lucban Elementary School.
Sa ngayon, ito ang pangalawa sa pinakamalaking pampublikong paaralang elementarya sa City of Pines base sa bilang ng guro at mag-aaral.
Sa taong panuruan 2016 – 2017, 45 mag-aaral kada isang silid-aralan ang hatian ng halos 2,800 mag-aaral ng paaralan, ngunit mayroon namang mga silid-aralan na kayang magpatuloy ng 35 estudyante. Samantala, Naghahandog din ang paaralan ng special science classes mula Grade I – III.
“Four classes for Grade III students will occupy the four classrooms in this new building,” ayon kay Joseph Estigoy, punongguro ng Lucban Elementary School.
Nilagyan din ng pasilidad na pang-agham ang mga silid-aralan para magamit ng mga Science students na dumaan sa mga pagsusuri at pagsusulit.