CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Inirekomenda ng hepe ng Region 3 police and pagsibak sa pitong pulis ng Central Luzon na lumagpak sa isinagawang mandatory drug testing.
Ayon kay acting regional director Chief Supt. Aaron N. Aquino, sumailalim sa random drug testing ang 338 pulis, 32 dito ay mga ranking officials na kaniyang pinatawag sa Olongapo City Police Office (ACPO) sa Camp Cabal.
“Everyone thought it was merely a command conference, however, when all personnel were accounted for, the drug test was announced,” ani Olongapo City police director Senior Superintendent Jerry Tait Sumbad.
Tumanggi naman si Aquino na pangalanan ang mga sumabit sa drug testing habang hindi pa natatapos ang proseso ng pagsibak sa mga ito na isinasagawa na sa Discipline Law and Order Section ng PRO3.
“Change is coming and it is inevitable. No exemption will be provided for those will be found guilty regardless of their rank or length of service,’’ ani Aquino. (Franco Regala)