MALOLOS CITY, Bulacan – Isinusulong na ng provincial government ang pagbibigay ng mahusay na serbisyo ng Bulacan Medical Center para sa mga nasasakupan nito.
Sa kaniyang State of the Province Address (SOPA) ibinunyag ni governor Wilhelmino Sy. Alvarado ang mga reklamo sa kanilang tanggapan ukol umano sa hindi kanais-nais na pagtrato ng mga medical staff ng ospital.
Ito’y sa kabila ng pagtaas ng kalidad ng kagamitan at serbisyo ng naturang ospital. “Parang nakakasawa na ang halos araw-araw na sumbong tungkol sa masusungit na doctor at nurses sa BMC.
We are no longer living in dreams, the province is all set into motion of various development programs that is now spurring growth and progress,” ani Alvarado.”
Lagi-lagi na lamang ba akong makikiusap sa mga doctors, nurses at iba pang mga empleyado na hindi sila dapat maging masungit sa mga tao at pasyente sa Bulacan Medical Center at District hospitals sa lalawigan?
Kung sino man ang mga ito hindi sila karapat-dapat sa Bulacan Medical Center.” Bukod sa air-conditioned emergeny rooms at maternity wards, ipinagmamalaki na din ng BMC ang pagkakaroon ng modern laboratory facility at ang pagkakaroon ng 40 units ng dialysis machines buhat sa naunang sampung units. (Freddie C. Velez)