Bago pa maging sikat na artista, nauna munang gumawa ng pangalan si Enchong Dee sa larangan ng swimming. Humakot siya ng mga medalya sa local at international swimming competitions.
Bata pa lang daw siya noong magustuhan niya ang sport na ito. “Six years old ako when I started swimming. Hindi naman siya nagsimula as hilig kumbaga na, ‘Ma, gusto kong mag-swimming,’ hindi ganun. It’s more of a trial, parang tinulak lang ako sa pool tapos, ‘O you have fun?’ ganyan-ganyan. Only until mga after a year or two doon ko na-realize na, ‘Gusto ko na itong swimming. Mahal ko na siya,’” sabi ni Enchong nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”
Naniniwala naman si Enchong na dapat matuto ang lahat na mag-swimming. “Ako kasi naniniwala ako na dapat lahat ng Pilipino marunong mag-swimming because we’re surrounded by body of water. And that’s also the reason why I started doing my swimming lessons for the kids. Kasi pag may bagyo most of the casualties are kids. Yun ang pinakamasakit na pag napapanood mo sa news na parang ang dali-dali lumutang, ang dali-dali lumangoy, bakit may mga namamatay dahil sa lunod.
Iyon ang mabigat para sa akin knowing na I came from swimming and I can’t do anything about it. So, iyon ang itinuturo namin sa mga bata na as much as possible don’t panic. Kasi ang tubig kaibigan natin iyan e. Kaya I went for the Handog Palangoy. It’s my way of giving back, paying it forward, simply because naging maganda ’yung buhay ko when I was swimming. So, sabi ko gusto kong mag-vie back. And it started when two of my coaches, coach from Naga and coach from Manila passed away two years ago. So, sabi ko, it’s time for me to give back kasi ito ’yung gusto talaga nila para sa akin. Gusto nila i-share ko kung anuman ’yung magandang naidulot sa akin ng sports na ito.”
Sa Handog Palangoy ni Enchong pumupunta sila sa mga probinsiya para magbigay ng training at swimming lessons sa mga kabataan kabilang na ang mga batang may autism. Sa ngayon sagot lahat ni Enchong ang gastos sa kawanggawa niyang ito.
Sorpresa nga ng “Magandang Buhay” para kay Enchong ang pagpunta sa show ng dalawa sa mga kabataang natulungan ng aktor sa kanyang Handog Palangoy. Bukod sa pagpapasalamat ay binigyan din nila ng parangal si Enchong.
(Glen P. Sibonga)