Natunton ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang marijuana plantation sa isang coordinated at maigting na anti-illegal drug campaign sa Agusan del Sur.
Ayon kay PDEA Director General Isidro S Lapeña kanilang nasabat ang mahigit 125kg ng marijuana sa isang cultivation site sa Sitio Pilang, Barangay Kasapa-1, Loreto, Agusan Del Sur.
Ayon kay Lapeña, may street value umano ang mga ito ng P15,625,000. There will be no let-up in PDEA’s campaign to contain the cultivation of marijuana being the country’s second drug of choice among drug users in the country,” ani Lapeña. (Chito A. Chavez)