Pansamantalang ipinasara ang isang kalye sa Oranbo district, Pasig City, matapos na bumagsak ang isang pader sa kasagsagan ng malakas na ulan kahapon.
Naakupa ng bumagsak na adobe rocks ang halos kalahati ng St. Martin Street bandang 6:15 a.m., dahilan para ipasara ng mga awtoridad ang kaye at magpatupad ang rerouting ng mga sasakyang dumadaan para maiwasan ang aksidente habang nagsasagawa ng clearing operation, ayon kay Archie Tan ng Pasig rescue team.
Gumamit ng electric demolition hammer ang mga awtoridad para alisin ang nakahambalang na mga bato sa daan na malapit mismo sa gate ng Valle Verde 1. (Jenny F. Manongdo)