BUTUAN CITY – Isang magnitude 5.2 na lindol ang yumanig sa Agusan del Sur town kahapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala nila ang lindol dakong 7:16 a.m.
kung saan ang epicenter ay natunton nine kilometers southwest ng Talacogon town. Sinasabing tectonic in origin, may lalim ang lindol ng 62 kilometers at nakapagbigay din ng intensity 3 na pagyanig sa Cagayan de Oro City, intensity 2 ang naitala sa Bislig City at intensity 1 sa Kidapawan City.
Pinakamalakas naman na tinamaan ng pagyanig ay ang Butuan City. Wala naman naitala na pinsala ang lindol base sa pagsusuri ng monitoring and action centers ng Agusan del Sur Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sa Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur. (Mike U. Crismundo)