Hindi sa PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) itinalaga ni President Rodrigo Duterte bilang chairman si Arnell Ignacio, kundi bilang AVP for Community Relations and Services Department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Unang kumalat ang balitang ang PCSO ang pamamahalaan ni Arnell. Pero sa post niya sa kanyang Facebook account, saisang department ng PAGCOR siya nanunungkulan. Ayon kay Arnell, hindi lamang tungkol sa games ang naturang sangay ng gobyerno. Bilang AVP for Community Relations and Services Department, may mga hakbang silang gagawin para mapag-ibayo ang serbiyo sa pangkalusugan. Magsasagawa rin sila ng feeding program, magsasaayos ng school buildings at iba pang programa ang tututukan nila.
“No area will be too far from our helping hand,” bahagi ng post ni Arnell sa kanyang FB. Pinasalamatan niya si President Duterte at PAGCOR chairman Andrea Domingo sa tiwalang ibinigay sa kanya na aniya pa, hindi magsisisi ang mga ito, pati ang sambayanang Pilipino.
Sa mga nakaraang interbyu kay Arnell, sinabi niyang wala siyang inaasahang kapalit sa ginawa niyang pag-suporta kay President Duterte. Kusang-loob at walang bayad ang pagho-host ni Arnell sa campaign sorties ni President Duterte.
Nagbunga ang taos-pusong pagsuporta ni Arnell na hindi man niya hiningi, sa kanya ipinagkatiwala ang posisyon bilang AVP for Community Relations and Services Department ng PAGCOR. Congratulations!
May mga nagtatanong, paano naman daw ‘yung ibang celebrities na supporters din ni President Duterte? Mabigyan din daw kaya sila ng posisyon sa gobyerno? Tulad nina Vice Ganda, Robin Padilla, Phillip Salvador, Aiza Seguerra, Mocha, and who else?
Only love
Released na ang latest single ni Aljur Abrenica, “Mahal Pa Rin Kita.” Revival ito ng isang hit song noong 1990’s.
Pansin ng karamihang nakarinig ng kanyang kanta, tila raw patungkol ang lyrics sa isang taong matagal nang in a relationship with someone else.
Pero ayon sa star ng “Once Again” na kapareha ni Janine Gutierrez, dedicated niya ang kanta sa GMA Network na ayon pa kay Aljur ay kanyang “only love.”
Ayon pa sa Kapuso actor at GMA Artist Center talent, nag-desisyon siyang manatili sa GMA dahil doon siya nagsimula at nagkapangalan. Homegrown talent si Aljur na produkto ng Starstruck 4. Tinanghal siyang First Prince na si Kris Bernal ang First Princess.
“Kapartner ko ang GMA sa aking journey sa pagtupad sa mga pangarap ko. Naniniwala ako na bawat tao sa mundo ay may purpose at naniniwala ako na ang pag-stay ko sa GMA ay may pupuntahan,” saad ni Aljur. Sana lang, mapanindigan niya ang pagiging Kapuso at huwag na siyang magpasulsol muli sa ibang tao na kalabanin ang kanyang home studio, gaya ng ginawa niya noon.
May pasabog
Bilang suporta ng isang fast food chain sa solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang “Imagine You & Me,” may bagong version ng kanilang TVC ang dalawa. Cute, ang ganda ng mensahe na akma sa location shoot nila sa Italy.
Binasa ni Alden kay Maine at bawat letter ng ITALY ay may kahulugan. I Trust and Love You. Halos pabulong ang pagkasabi ni Alden ng “love you.” Pero may kilig factor.
Pa-cute naman ang reaction ni Maine.
Bukod sa bagong version ng kanilang TVC, may billboard din ang naturang fast food chain para sa movie nina Alden at Maine.
Guests ngayong Linggo sa “Sunday Pinasaya” ang AlDub love team na dinig namin ay may pasabog sina Alden at Maine.
May aaminin na kaya sila tungkol sa namamagitan nilang relasyon?
By the way, may premiere night ang “Imagine You & Me” sa July 12 sa SM Megamall cinema. Regular showing simula July 13 sa mga sinehan nationwide.
Ipinagyabang daw?
Dahil sa pagpa-bless ni Alden Richards ng kanyang Jaguar sports car at pag-selfie, na-bash ang Kapuso Heartthrob ng ilang netizens. Kesyo, ipinagyabang daw ni Alden ang kanyang sasakyan.
Ang black Jaguar sports car ang gamit ni Alden noong nagpunta siya sa house blessing nina Vic Sotto at Pauleen Luna.
In fairness, hindi naman intensiyon ni Alden ipagyabang ang brand new car niya. Naroon na rin nga naman ang pari na nag-bless ng house nina Vic at Pauleen, kaya after mabasbasan, might as well pina-bless narin ni Alden ang kanyang sasakyan.
Ayaw nga sabihin ni Alden kung magkano ang bili niya sa kanyang Jaguar sports car, ‘yun ba ang nagyayabang? Tantiya ng mga nakakaalam ng presyo nito, more or less ay R6-million ang halaga. Sa rami ba naman ng product endorsements ni Alden, bukod pa sa mga “racket” niya here and abroad, can afford siya talaga bigyan ng reward ang kanyang sarili ng kanyang dream car. Katas ‘yun ng kanyang hirap, pagod at puyat sa pagtatrabaho.