CAMP GEN. PANATALEON GARCIA, IMUS,Cavite – Patuloy ang balasahan ng city at municipal police chiefs matapos ipatupad ang malawakang revamp ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa.
Itinalaga ng Police Regional Office (PRO) 4-A si Superintendent Rodolfo Caoili Hernandez bilang bagong officer-in-charge ng Dasmariñas police.
Bukod kay Hernandez, inilagay din bilang mga OIC si Supt. Rey Magdaluyo ng Silang police, Supt. Erwin Obal ng Tanza police, Chief Inspector Chito Macaspac ng Naic police at Chief Insp. Mark Joseph Laygo ng Rosario police.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng balasahan sa Cavite province simula nang maupo si Dela Rosa sa PNP noong July 1.
Samantala pansamantalang pinalitan ni Supt. Gregorio Evangelista Jr., si Senior Supt. Eliseo D.L.C. Cruz bilang acting director ng Cavite Police Provincial Office (PPO).
Ito’y matapos mag-leave of absence si Cruz para sa isang commitment sa Estados Unidos. Naktakda naman na bumalik si Cruz sa July 15. Si Evangelista ang deputy director for administration ng PPO. (Anthony Giron)