ALAMINOS CITY,Pangasinan – Nakalabas man ng bansa si typhoon “Butchoy” ngunit patuloy pa din ang perwisyong dulot nito lalo na sa ilang mga turista ng Luzon.
Kahapon ay sinuspinde ng The Hundred Islands National Park ang kanilang operasyon dahil sa sama ng panahon maging ang karagatan dahil sa naturang bagyo.
Mismong si Alaminos City mayor Arthur Celeste ang naglabas ng kautusan base na din sa mungkahi ng Philippine Coast Guard.
Samantala naglabas na din ng “No Fishing Advisory” ang Labrador police station sa kanilang lugar. Samantala, stranded ang 233 turista sa Batanes island dahil na din sa epekto ni Butchoy.
Hanggang kahapon ay suspendido pa ang biyahe ng eroplano sa Batanes ngunit nakikipag-coordinate na ang Region 2, Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang malaman kung kailan maaaring lumipad ang mga eroplano papunta ng Batanes. (Liezle Basa Iñigo/Freddie G. Lazaro)