Memorable experience para kay Dominic Ochoa ang pagganap niya sa title role ng ABS-CBN teleseryeng My Super D, kaya naman may gusto raw siyang gawin bilang remembrance ng kanyang biggest break sa showbiz.
“Memorable to the point na I actually want a suit (ni Super D) and ipapaeskaparateko sa loob ng bahay ko. I mean let’s be realistic here, maraming role na pwedeng ibigay sa atin, but at 42 years old, kailan ka mabibigyan ng role ng superhero. Di ba parang ang malasakit ko na lang dito, may isa akong pamangkin, anak ng sister in law ko, hindi ako pinapansin noon. Pinapansin pero hindi ’yung ganun… pero ngayon, ‘Uncle Dom, Super D, Super D!’ Talagang iba ’yung effect. Ako kasi gustung-gusto ko ang bata, enjoy na enjoy ako sa bata. And ako I have a four year old kid na natutuwa rin kay Super D. That’s why I’m thankful for this show,” sabi ni Dominic.
Nag-last taping day na noong July 6 si Dominic.
Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng teleserye sa July 15, nagpapasalamat si Dominic sa ABS-CBN at sa Dreamscape Entertainment Television dahil bukod sa pagbibigay ng oportunidad sa kanya na maging bida sa teleserye sa pagganap niya bilang si Super D at Dodong, naghatid din daw ito ng ilang pagbabago sa buhay niya. Mas marami na raw siyang fans na mga bata ngayon.
“Actually, natutuwa ako dahil lately pag lumalabas tayo, hindi na matroniks (may edad) ang lumalapit sa atin, kundi mga batana. So, I think it’s a very big factor also for me as an actor and my responsibility bilang isang artista na gumaganap ng ganito (superhero), ’yung mga bata tinitignan ka talaga as a superhero. So napakaimportante ’yung responsibilidad ko bilang si Super D na magpamahagi ng magandang asal sa mga bata especially,” sabi ni Dominic.
Mapapanood ang My Super D mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol. (GLEN P. SIBONGA)