May mga kinakausap ang beauty queen maker na si Jonas Antonio Gaffud tungkol sa possibility na maganap ulit ang Miss Universe Beauty Pageant dito sa Pilipinas.
Huling ginanap ang Miss Universe sa Pilipinas ay noong 1994 pa kung saan ang ating Philippine representative ay si Charlene Gonzalez at ang nanalong Miss Universe ay si Sushmita Sen of India.
Ayon kay Jonas ay masusing pinag-aaral daw muna ang lahat dahil malaking event ito na hindi basta-basta pinagdedesisyunan.
“Well, pangarap namin na dapat sana kung puwede, dito ang Miss Universe dahil nga ipapasa ni PiaWurtzbach ang korona niya.
“Pero siyempre, malaking pag-aaral kung paano gagawin.
“Marami namang bansa ang may gusto, hindi lang tayo.
“Dapat magkaisa ’yung mga agencies na dalhin iyong pageant dito.”
Maraming bansa raw ang nagbi-bid para sa staging ng Miss Universe.
“Nagbi-bid kasi ’yung country na nanalo, bidding ‘yan, eh.
“Highest bidder pa rin ‘yan, business pa rin ‘yan.”
Dapat din daw ikunsidera ang magiging malaking gastos ng isang global pageant tulad ng Miss U Pageant.
“Feeling ko kapag na-approve na dito na, dun na papasok lahat ng sponsors.
“Wala pa kaya hindi mo alam, pero baka mamaya umapaw bigla ang sponsors, di ba?
“Everybody wants to be involved kapag dito idinaos ang Miss Universe,” diin pa niya.
Tungkol naman sa chances ng Pilipinas na magkaroon ng back-to-back win as Miss Universe, inamin ni Jonas na mahirap daw iyon.
“Sa history ng Miss Universe, Venezuela pa lang ang may back-to-back win noong 2008 and 2009.
“Depende naman kasi ‘yan sa mga judges din. Suwertihan lang talaga.
“Kung ang luck mo ay destined kang manalo ng crown, ‘yun na ‘yung moment na iyon.
“Like si Pia, nagkamali na ‘yung host sa pagbasa ng winner, ‘di ba? Nakapaglakad na si Miss Colombia, pero tinama pa rin. Si Pia pala ang winner.
“So destiny kungtawagin. Kung parasa ‘yo, mangyayari.
“Kaya ang chances ni Maxine (Medina) ay kung destiny niya talaga.
“She has beauty, talino, ’yung kanyang confidence, yung kanyang dedication.
“Nasa kanya naman na lahat na puwedeng maging Miss Universe.
“Destiny na lang ang makakapagsabi,” pagtapos pa ni Jonas Gaffud. (RUEL J. MENDOZA)