Binigyan ng isang buwan ang 12 police station chiefs ng Quezon City Police District (QCPD) para sugpuin ang illegal drug trade sa kani-kanilang nasasakupan. Ayon kay QCPD director Senior Supt. Guillermo Eleazar, aalisin niya sa pwesto ang mga hepe ng police na hindi makatutugon sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs at iba pang krimen.
“If their performance will not improve within a month, they will have to transfer to other areas,” sabi ni Eleazar. Sinabi ng QCPD chief na susuriin niyang mabuti ang performance ng mga hepe ng pulis sa pagresolba ng mga krimen sa kanilang areas of responsibility, lalo na ang problema sa droga. Isang linggo matapos ang pagbibigay ng deadline, pinangalanan ni Eleazar noong Sabado ang bagong hepe ng Batasan Police Station (PS-6).
Itinalaga niya ang dating PRO-11 (Davao del Norte) Investigation chief na si Supt. Lito Patay bilang kapalit ni Supt. Robert Sales na nagsilbi bilang PS-6 chief sa loob ng isang taon. (Vanne Elaine P. Terrazola)