Limang menor de edad ang nailigtas ng Parañaque City police mula sa kamay ng isang bugaw habang ipinatutupad ang curfew hour sa Baclaran kahapon ng madaling araw.
Napag-alaman na ang mga nasagip na kabataan ay ibinebenta ng isang Patrick Capan sa mga parokyanong na naghahanap ng panandaliang aliw sa Barangay Baclaran, Parañaque City. Nakakulong na siya ngayon sa Parañaque City police detention cell at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Ayon sa police report, ang mga miyembro ng Baclaran Community Precinct at Women and Children’s Concern Desk at opisyales ng barangay ang siyang nagligtas sa mga naturang kabataan.
Isinagawa ang rescue operation matapos na makatanggap ang pulisya ng mga reklamo tungkol sa madalas na pagpunta ng mga kabataan sa bahay ng tinatawag nilang “Kuya Patrick”. (Jean Fernando)