Ipinagdiriwang ngayon ang pista ng Our Lady Rosa Mystica (Mystical Rose) ng mga Marian devotees sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas.
Ang mga aparisyong ipinamalas ng Inang Pinagpala sa isang relihiyosong Italiana sa Montichiari, Northern Italy ay naganap noong 1947.
Nagpatuloy ang mensahe ni Fatima nang magpakita ang Mahal na Ina sa dalawang anak nito na sina Francisco at Jacinta.
Hiniling nitong sabihan ang mga mananampalataya na magdasal ng rosaryo, magsisi sa mga kasalanan, at magsagawa ng penitensiya.
Hiniling din nitong ipagdiwang ang ika-13 ng bawat buwan bilang Marian Day, at ilaan ang ika-13 ng Hulyo para sa pagpupuri sa kanya bilang Rosa Mystica.
Inaprubahan naman ng Holy See noong 1966 ang mga serye ng aparisyon na nangyari noong 1947 kung saan naganap ang ika-7 at huli noong Disyembre 8, 1947, kapistahan ng Immaculate Concepcion.
Hanggang ngayon ay pinupuno ng mga deboto ang kanilang mga lalagyanan ng milagrosong tubig na nanggagaling sa bukal ng isang apparition site.
Nagsusuot din ang mga deboto ng medalyon ng Our Lady Rosa Mystica na nakakalap na din sa iba’t ibang parte ng mundo. (Christina I. Hermoso)