Kusang sumuko ang halos 1,000 drug pushers at users sa mga opisyal ng Malabon City kahapon sa gitna ng pinaigting na kampanya laban sa bawal na gamot sa buong bansa.
Sinamahan ng kanya-kanyang barangay officials ang mga nagsisukong drug dependents at drug couriers na lumagda sa dokumento sa harap ni Mayor Antolin Oreta na nangangakong sila’y makikipagtulungan sa kampanya laban sa bawal na droga.
Nangako rin silang iiwasan na nila ang paggamit at pagbebenta ng bawal na gamot. “Ako’y nagpapasalamat sa mga nakiisa sa programang ito.
Sa programang ito kinakailangan ang suporta ninyo,” ayon sa alkalde. “Ito’y programa ni President Duterte, kailangan suportahan natin ito, sabi pa ni Oreta.
Target ni Oreta na maging “drug-free city” ang Malabon pagkatapos ng isang buwan. (Ed Mahilum)