Kasama si JC de Vera sa listahan ng Yes! 100 Most Beautiful Stars for 2016 sa kategoriyang Television Prince. Payat-payatan ang Kapamilya actor nang nakatsikahan namin sa presscon ng naturang glossy magazine para sa announcement ng 100 Most Beautiful Stars.
“Slim lang, hindi payat,” sabi ni JC nang punahin naming payat siya.
Aniya, kinakarir niya ang pagda-diet at pagwo-work out para ma-achieve niya ang pagiging physically fit.
“At my age, I’m thirty years old, kaya ko pa ring makipagsabayan sa mga younger actors. Ang higpit ng kumpetisyon ngayon, kaya natsa-challenge akong gawin lahat for my career. Gusto kong maging versatile actor,” pahayag ni JC.
Wala siyang regular teleserye matapos ang “You’re My Home” with Richard Gomez, Dawn Zulueta, and Jessy Mendiola.” Ani JC, focused muna siya sa paggawa ng pelikula, “Sin Island” with Jessy under Star Cinema at dalawang indie films.
Hindi ba siya nanghinayang na hindi nauwi sa real-life ang reel love team nila ni Jessy? “Mahirap kasi kapag real life partners kayo. Kapag nagkaroon kayo ng misunderstanding, affected ang trabaho n’yo pareho. Gusto kong mag-focus muna sa career ko dahil may certain goals ako na gusto kong ma-achieve. Gusto kong maging financially and emotionally stable bago ako mag-seryoso sa lovelife,” wika ni JC.
Aniya, dream niyang magkaroon ng resthouse para doon siya magre-relax kapag nag-retire na siya sa showbiz.
Ano naman ang masasabi niya na nali-link ngayon si Jessy kay Luis Manzano? “Hindi namin ‘yun napag-uusapan ni Jessy.
Basta masaya lang kami. Whatever comes, we appreciate,” saad ni JC.
Bagong project
Kasama si Ken Chan sa Yes! 100 Most Beautiful Stars for 2016 sa kategoriyang Television Prince. Aniya, it’s an honor na mapabilang siya sa listahan at thankful siya sa mga pumili sa kanya.
Nabigyan si Ken ng biggest break ever ng GMA7 nang sa kanya ipagkatiwala ang role ng isang transwoman sa “Destiny Rose.” Maganda ang feedback sa naturang afternoon prime series na ani Ken, wish lang niya na ang susunod niyang project ay afternoon series din.
“Wala kasing gaanong pressure, di tulad kapag primetime series,” wika ni Ken. Aniya, may nakalatag nang bagong project ang GMA para sa kanya. Exact opposite ng karakter niya sa “Destiny Rose” ang gagampanan niya.
Itatakas
Last two weeks na lang ang “Once Again,” kaya kaabang-abang ang maiigting na kaganapan nito. Tutukan mamaya ang pagtakas ni Lukas (Joko Diaz) kay Des (Janine Gutierrez) sa ospital.
Nasa Bgy. Pinagkaisahan, QC ngayon sina Marian Rivera at Boobay para sa episode ng “Yan ang Morning.”
Makiki-join sa pagsasayaw ng zumba sina Valeen Montenegro at komedyanteng si Donita Nose.
Tutok lang sa YAM, 9:30 am sa GMA.