Dalawampung “high-value” drug peddlers ang napatay sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya laban sa bawal na droga sa lungsod ng Maynila sa unang sampung araw ng Hulyo, ayon sa report ng Manila Police District (MPD).
Ipinahayag ni MPD director Sr. Supt. Joel Coronel sa meeting ng City Peace and Order Council (CPOC) na pinamumunuan ni Manila Mayor Joseph Estrada na ang mga naturang drug suspect ay napatay nang makipagbarilan sa mga pulis.
Ayon kay Coronel, bagamat tumaas ang bilang ng mga kriminal na napatay, kasama na ang mga drug suspects, bumaba naman ang crime rate sa lungsod sa loob nitong nagdaang anim na buwan.
Umabot sa 57.9 porsiyento ang crime solution efficiency ng MPD mula January 1 hanggang June 30. (Betheena Kae Unite)