Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang tugisin ang anim sa pitong preso na tumakas kahapon ng madaling araw sa San Jose District Jail sa Mindoro.
Kinilala ni BJMP Officer-in-Charge Jail Chief Superintendent Deogracias C Tapayan Jr. ang mga pugante na sina Demetrio Soriano, Ryan Sabal, Rejoy Achico, Dennis Palma, Rasid Sultan, James Ranilla, at Rodrigo Agustin.
Sumuko naman si Agustin dahil na rin sa panghihikayat ng kaniyang ina. “It would be better if they will surrender immediately.
We can no longer assure their personal safety”, ani Tapayan. “This is a fair warning to them. Surrender or face greater risk outside.”
Dalawa sa mga pugante ay nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165 o the Comprehensive Drugs Act of 2002. Tumakas ang mga preso nang masira nito ang isa sa mga iron grills ng kanilang selda.
Kasalukuyan naman na naka-full alert status ang buong BJMP ng Mindoro Province. (Chito A. Chavez)