Nahaharap sa kasong falsification charges si dating Mayor Quintino Caspillo, Jr. ng Talugtug, Nueva Ecija dahil umano sa pagsisinungaling matapos sabihin nito na hindi niya kamag-anak ang itinalaga niyang municipal planning and development officer noong 1997.
Ayon sa Office of the Ombudsman, itinalaga ni Castillo ang pamangkin nito na si Elmer Caspillo sa naturang posisyon.
Sabit ang dating mayor nang maglabas ito ng sertipikasyon na wala umano siyang kaugnayan kay Caspillo.
Sa isang 13-pahinang resolusiyon, iginiit ng Ombudsman ang paglabag ng akusado sa Section 79 ng Local Government Code kung saan sinasabing “no person shall be appointed in the career service of the local government if he is related within the fourth civil degree of consanguinity or affinity to the appointing authority.” (Jun Ramirez)