Pilot episode pa lang ng requel ng “Encantadia” na ipinakita sa presscon nito’y pasabog agad ang mga eksena.
Impressive na parang isang malaking pelikula. Kahanga-hanga ang costumes, set at production design na halatang pinag-isipan at pinagkagastusan ng GMA Network.
Naging emotional si Direk Mark Reyes sa kanyang speech na aniya, it took 11 years and three attempts bago naisakatuparang ibalik sa ere ang naturang fantaserye. Aniya, nag-level up na ang expensive project na ito na tiniyak niyang masisiyahan ang televiewers, lalo na ang mga bata. “This is not a job, but a vocation. Ang hirap gawin ng show. Bahagi na ito ng Philippine culture. Marami pang pakulo hanggang December. Mahirap ang labanan ngayon ng mga show, pero handa kaming lumaban,” maigting na pahayag ni Direk Mark.
Sa Lunes (July 18) na ang pilot episode ng “Encantadia”.
Special participation
Nasa presscon ng “Encantadia” ang Hollywood actor na si Conan Stevens at star ng “Game of Thrones.” Aniya, super impressed siya sa ipinakitang pilot episode.
May special participation si Conan sa “Encantadia” at looking forward siya sa taping nito. Weeks ago’y nakapasyal na siya sa set nito at nakatsikahan ang ilang “Encantadia” stars, isa na si Rocco Nacino na binigyan niya ng tips sa fight scenes.
Dream come true
Si Kylie Padilla ang gumaganap bilang Amihan sa “Encantadia” na aniya, mas excited pa ang kanyang papa Robin Padilla kesa sa kanya. Kapag ipinapalabas daw ang teaser nito sa TV ay tutok talaga ang kanyang papa. Tinatawag ang mga kasambahay para manood din.
Ani Kylie, dream come true na magampanan niya ang role bilang Amihan. Magagamit niya ang mga kaalaman niya sa martial arts sa fight scenes sa “Encantadia.” Aniya, maliit pa siyang bata’y sinanay na siya ng kanyang papa Robin sa martial arts. Taekwondo expert si Kylie.
Ayon kay Kylie, hindi niya pinanood ang unang version ng “Encantadia” kung saan si Iza Calzado ang gumanap bilang Amihan. Aminado si Kylie, may pressure at hindi maiiwasang ikumpara sila ni Iza at ang original version ng “Encantadia” sa requel nito.
Lucky charm
Napapanatili pala nina Carla Abellana, Iya Villania at Vaness del Moral ang kanilang friendship kahit tapos na ang “Because of You,” primetime series na pinagsamahan nila sa GMA7. Ayon kay Vaness, may constant communication pa rin silang tatlo.
Magkakaibigan ang roles nila sa BOY na kahit off-camera ay gano’n din silang tatlo.
Kung kikay role si Vaness sa BOY, balik-kontrabida siya sa “Encantadia.” Super bad ang karakter niya.
Ani Vaness, na-miss niya ang kontrabida role. Ayon naman kay Direk Mark Reyes, lucky charm niya si Vaness sa mga ginagawa niyang project, kaya parati niya itong isinasama sa cast.
Mall show
May mall show ngayong Sabado ang “Once Again” stars sa CSI The City Mall sa Dagupan City at 4 pm. Darating sina Aljur Abrenica, Janine Gutierrez, Thea Tolentino at Jeric Gonzales.