BUTUAN CITY – Humihingi ng tulong ang mga local officials sa mga government agencies patungkol sa dumadaming bilang nga mga sumusukong drug personalities na galing sa iba’t ibang bahagi ng Northeastern Mindanao o Caraga region.
Ayon sa mga opisyal, nangangaila-ngan sila ng livelihood at employment support buhat sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DoLE), Department of Agriculture (DA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Health (DoH), Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pa upang mabigyan ng mga ayuda ang mga sumusuko.
“We cannot accommodate them all as big number of drug surrenderees are continuously coming in and we need now the support of various government agencies for their livelihood and employment,” ani isang municipal mayor ng Caraga. (Mike U. Crismundo)