Balisa at hindi normal ang kinikilos noon ni Jack Sparrow, isang cute na Chihuahua na alaga ng isang residente sa Fontana, California.
Kaya naman naisipan ng may-ari nito na si Nathaniel Sais, 21-anyos, na dalhin ang kaniyang alaga sa Inland Valley Veterinary Specialists & Emergency Center upang ipatingin ito.
Hindi naging maganda ang obserbasyon ng mga doktor dahil tila lalong tumindi ang negative reaction ni Jack Sparrow pagdating sa kanilang pasilidad.
“Doctors observed Jack suffering from convulsions and seizures and felt Jack’s life was in jeopardy,” ayon sa news release ng Fontana Police Department.
Matapos ang ilang mga pagsusuri ay nagdesisyon ang doktor ng veterinary facilities na kunin si Jack Sparrow at isailalim sa isang matinding gamutan.
Ito’y matapos madiskubre nila na positibo ang aso sa methamphetamine o shabu.
Dali-dali naman na kinuha ni Sais at i-uwi ang kaniyang alaga.
Dito na tinawagan ng clinic ang Fontana Animal Services Team na agad na nagpadala ng kanilang tauhan sa tahanan ni Sais.
Sa nasabing tahanan ay nakita ng awtoridad na matindi pa din ang epekto ng droga kay Jack.
“He was “still suffering from the effects of the drug and other signs of general neglect,” ani pulisya.
Agad na kinuha ang aso kay Sais it ibinalik sa clinic upang mabigyan ng karampatang lunas at sumailalim sa istriktongh obserbasyon.
Viral ngayon ang video ni Jack Sparrow sa facebook kung saan nakikita pa itong balisa at kumikilos ng kakaiba.
Sa kabila nito ay tiniyak ng mga doktor na makaka-rekober sa kaniyang sitwasyon si Jack.
Ang Chihuahua ang isa sa mga paboritong alaga ng mga dog lovers dahil sa pagiging loyal nito lalo na sa may-ari.
Samantala, nahaharap sa kasi si Sais na inaresto na ng pulisya.
Kasong felony animal cruelty ang isasampa kay Sais na ngayon ay naka-detine na sa West Valley Detention Center sa Rancho Cucamonga. (DP)