Iminungkahi ng isang labor group kay President Rodrigo Duterte na dagdagan ang pondong inilalaan ng gobyerno para sa operasyon ng Light Rail (LRT) Transit at Metro Rail Transit (MRT).
Sinabi ng Associated Labor Unions (ALU) na hihilingin nila kay Duterte na baliktarin ang desisyon ni dating President Benigno Aquino III noong nakaraang taon na ibaba ang government subsidy para sa LRT at MRT sa R10 billion mula sa P12 billion.
“We will write to him and also ask the people close to him to relay our request before the SONA (State of the Nation Address),” pahayag ni ALU policy advocacy officer Alan Tanjusay. “The subsidy must be restored since the services of MRT and LRT right now are too expensive for daily workers,” he added.
Ayon kay Tanjusay, ang mungkahi, kung mapagbibigyan, ay makakapagbigay ng mabilis na kaluwagan para sa mga manggagawa habang hinihintay ang pagpapatupad ng ipinangakonog labor reforms ni Duterte, lalo na ang pag-alis ng contractual employment. (Samuel Medenilla)