Isang mag-asawa na sangkot sa droga ang inaresto ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama na ang local police sa probinsiya ng Tarlac.
Kinilala ni PDEA Director General Isidro S. LapeƱa ang mag-asawa na sina Moody Ignacio, 43-anyos at asawa nito na si Evelyn, 42-anyos na kapwa residente ng Barangay San Isidro, La Paz, Tarlac. Sa bisa ng arrest warrant, sinalakay ng tauhan ng PDEA Regional Office 3 sa pangunguna ni Director Emerson Rosales kasama ang La Paz Municipal Police Station ang tahanan ng mga Ignacio kung saan nakuha sa lugar ang 18 transparent plastic sachets na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o shabu at may timbang na humigit kumulang limang kilo at may estimated street value na P14,500. Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(Francis T. Wakefield)