BADOC, Ilocos Norte – Patuloy ang pagbagsak ng onion plantation sa lugar na ito dahil na din sa pagdami ng fungal disease infection.
Sa taong ito, halos kalahati ang ibinagsak ng produksyon ng red shallot onion sa Badoc town dahil sa pagdami ng dalawang klase ng fungi na kung tawagin ay anthracnose at purple blotch na parehong dumadami sa panahon ng tag-ulan.
“Some farmers in our town have chosen to grow hybrid corn, mongo and high value vegetables in their field in lieu to onion,” ani agricultural technologist Cornelio Dinong. Sa kabila nito ay nananatili ang Badoc bilang top onion producer ng probinsiya.
Ayon sa datos ng Provincial Agriculture Office (PAO), may everage onion production ang Badoc town ng 9.5 metric tons per hectare.
Samantala patuloy naman ang pagpapa-alala ng awtoridad sa mga magsasaka na gumamit ng soil sterilization at crop rotation bago sila magtanim ng sibuyas. (Freddie G. Lazaro)