Umabot sa 950 registrants, karamihan ay first time voters, ang nagtungo sa Commission on Elections (Comelec) headquarters sa Pasay City sa unang dalawang araw ng registration period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, ayon sa isang opisyal kahapon.
Sinabi ni Comelec-Pasay Election Officer (EO) Willand Rapanut na 485 sa mga nagparehistro ay galing sa first district habang 465 naman sa second district. Nagsimula ang registration noong Hulyo 15 at magtatapos sa Hulyo 30. “Smooth-sailing tayo. Mas madali ngayon ang proseso dahil may mga ilang pagbabago na in-apply ang Comelec, pahayag ni Rapanut. Ayon kay Rapanut, hindi na sila tatanggap ng mga registrants mula sa ibang lungsod.
“Dati kasi, medyo natatagalan kami dahil may mga nagpapalipat ng records mula sa ibang cities and barangays,” dagdag pa niya.Nakatakdang ganapin ang Barangay at SK elections sa Oktubre 31, 2016. (Martin A. Sadongdong)